Paano Nabubuo Ang Wika

Paano nabubuo ang wika

1. Tore ng Babel – Matapos ang "the Great Flood", binigyan uli ng pagkakataon ng

Diyos ang mga tao na magbago. Pare-pareho ang lenggwaheng binibigkas noon. Ngunit, mayroon lider, si Nimrod na naging maramot at nais makita ang kaharian ng Diyos sa alapaap. Hinimok niya ang mga tao ng gumawa ng Tore,kaya iyon, nagsimula silang magtayo ng Tore. Nang nalaman ng Diyos ito, nagalit siya na nagiging ganid ang mga tao, kaya inuga niya ang Tore at nahulog ang mga tao. Marami sa kanila ang nagsalita ng sariling wika at tuluyang hindi na sila nagkaintindihan.

2. Natural Evolution - Sinasabi ng dalubhasa, na mula sa mga society na nagdaan, nagkakaroon ng "advancement of knowledge" kaakibat na dito ang pagkatuto ng wika dahil sa pang-araw araw na gawain.

3. Gestural Theory – Unti-unting nagkakaroon ng wika dahil kinakailangan ng ating mga ninuno na iangkop ito sa gawain nila (hunting, walang eye to eye contact sa kausap) dahil dito mas hindi na sila dumedepende sa gestures lang.

Teorya ayon sa mga tunog ng bagay at hayop:

4. Teoryang Bow-Wow – wika mula sa panggagaya ng mga tunog ng kalikasan

5. Teoryang Pooh-Pooh – wika bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, kalungkutan, takot (hal. Aray! Napapa-ouch!)

6. Teoryang Yo-HE-Ho- natutong magsalita mula sa tunog buhat ng pwersang pisikal. (hal. Pagsumusuntok o nangangarate)

7. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay – likas ang sinaunang tao sa ritwal. Kaakibat ng ritwal ay ang mga pagsasayaw, pagsigaw, incantation o bulong. Mula dito, nagbabago bago at nilalapatan ng iba't ibang kahulugan ang mga ito.

8. Teoryang Ta-Ta – ang kumpas o galaw ng kamay o kung anu man laging ginagawa ng tao ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto magsalita. "Ta- ta" sa wikang Pranses ay paalam, sapagkat ang isang tao na nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas ng dila kapag binibigkas ang salitang ta- ta.

9. Teoryang Ding –Dong – wika mula sa tunog na nililikha ng mga bagay sa paligid (kalikasan, mga bagay na likha ng tao). Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna'y nagpabago-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan


Comments

Popular posts from this blog

Please Explain Testimonial Appeal

Explain And Give Examples On The Barriers Of Effective Communication