Magbigay Ng 10 Rason Kung Bakit Mahalaga Ang Wika
Magbigay ng 10 rason kung bakit mahalaga ang wika
Answer:
Wika
Ang wika ay nagmula sa salitang Latin na "lengua" na ang kahulugan ay dila. Ito'y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito'y isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.
Sampung rason (10) kung bakit mahalaga ang wika
- Ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon.
- Ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan.
- Wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.
- Ang wika ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan.
- Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung itoy lubos at puspusang pinapairal sa ibat-ibang larangan at disiplina.
- Ginagamit ng mga mag-aaral ang wika bilang isang midyum para makasulat, makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat matutunan at malaman.
- Kung walang wika ay hindi matututo ang isang mag-aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman, hindi rin magkakaintindihan ang bawat isa.
- Ang wika ay instrumento ng mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng kultura at sining ng kanilang bayan o bansa.
- Ang wika ang gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at sa pagtuturo sa iba. Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay kakayahan nito sa pagsasalin ng mga natutunan sa ibang tao.
- Samakatuwid, napakahalaga ng wika sapagkat ito ay maraming gamit sa lipunan, ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:
Antas ng Wika at mga Halimbawa: brainly.ph/question/504509
Sanaysay tungkol sa Konseptong Pangwika: brainly.ph/question/1523794
Kahalagahan ng Wika: brainly.ph/question/610487
#LetsStudy
Comments
Post a Comment